ALIMANGO HIPON AT KALABASA SA GATA
Ingredients
- 1 kilo Alimango (yung babae ma mainam)
- 1/2 kilo Medium to large size na Hipon (alisin yung sungot o balbas)
- 250 grams Kalabasa (cut into cubes)
- 4 cups Pure Coconut Cream
- 2 thumb size Ginger (cut into strips)
- 5 cloves Minced Garlic
- 1 pc. Large size Onion (sliced)
- 1/2 stp. Maggie Magic Sarap
- 3 tbsp. Cooking Oil
- Salt and pepper to taste
Instructions
- Linising mabuti ang alimango at i-steam sa kaunting tubig. Lagyan din ng kaunting asin. Hayaang ma-steam hanggang sa maluto ang alimango. Hanguin. Palamigin at hiwain o hatiin sa dalawa ang alimango.
- Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
- Ilagay na agad ang kalabasa at dalawang tasang gata. Hayaang kumulo hanggang sa medyo maluto ang kalabasa.
- Sunod na ilagay ang hipon at timplaha ng kautning asin, paminta at magic sarap.
- Kung mapula na ang hipon, ilagay na ang hiniwang alimango.
- Ilagay na din ang tasa pang gata ng niyog.
- Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
(c) owner
No comments:
Post a Comment